Magandang pagkakataon para sa bansa ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr sa World Economic Forum na hinahanap sa Switzerland.
Inihayag ng ekonomistang si Micheal Batu na malaki ang oportunidad na magbukas ang Worls Economic Forum para sa Pilipinas partikular sa larangan ng economic investment.
Inilarawan ni Batu na isang appropriate venue ang World Economic Forum para mapagtibay ang relasyon ng Pilipinas sa iba pang bansa, makasalamuha ng delegasyon ang business community sa WEF at mula doon ay makahikayat ng foreign investment.
Mahalaga din ani Batu ang nabanggit na forum gayung naririto sa isang lokasyon ang mga global decision makers habang nasa WEF din ang lahat ng access hinggil sa dialogue, discussion forum na dito ay makakakuha ng dagdag kaalaman ang ating mga business delegates patungkol sa best practices ng kani- kanilang counterparts.
Venue din sabi ni Batu ang nasabing pagtitipon para mai- showcase ang Pilipinas at mabuksan sa lahat ng mamumuhunan.