-- Advertisements --

Naging mabunga ang pagdalo ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., sa 43rd ASEAN Summit and Related Summits sa Jakarta, Indonesia kung saan kaniyang binigyang-diin ang interes ng Pilipinas partikular sa food and energy security, migrant workers protection, climate change at digital transformation.

Sa nasabing mga pulong napag-usapan ang regional at international issues kung saan binigyang diin ang kahalagahan ng rules-based international order, partikular sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea, dahil hindi lamang ang Pilipinas ang maaapektuhan kundi ang buong rehiyon.

Binigyang-diin ng Pangulo, na ang Pilipinas ay committed sa peaceful resolution sa pinag-aagawang teritoryo at panawagan sa mga bansa na ipagpatuloy ang paninindigansa sa freedom of navigation and overflight sa West Philippine Sea na naaayon sa international law kabilang ang 1982 UNCLOS.

Hinimok ng Pang. Marcos ang lahat na claimant countries na magpatupad ng self-restraint at iwasan ang unilateral at agresibong aktibidad upang maiwasan ang anumang tensiyon at miscalculations na magreresulta sa hindi pagkaka-unawaan.

Magandang balita na bitbit din ng Pangulo ay ang US$22 million na investments commitments mula sa mga top Indonesian companies na malaking tulong sa economic recovery efforts ng gobyerno.

Nakiisa din ang chief executive sa 12 Leaders’-Level Meetings, kabilang ang Australia, Canada, China, India, Japan, Republic of Korea, United States, at United Nations.

Binigyang-diin ng kapwa ASEAN Member States at ilang external partners ang kahalagahan ng rules-based international order.

Sumali din ang Pangulo sa ASEAN Plus Three Summit kasama ang ASEAN Member States, China, Japan, at Republic of Korea kung saan tinalakay ang food security, climate change, at digital economy.