-- Advertisements --

Nanawagan ang Child Rights Network (CRN) at Parents Against Vape (PAV) sa Department of Education at Commission on Higher Education (CHED) na tugunan ang pagdami ng mga kabataan na gumagamit ng vape.

Ayon sa grupo na nakakaalarma na ang paglobo ng mga kabataan na gumagamit ng vape sa bansa.

Mararapat na ipatupad ng mahigpit ng gobyerno ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act or RA 11900.

Bagamat naghigpit aniya ang Department of Trade and Industry sa bentahan ng vape ay dapat rin na gumalaw ang DepEd at CHED.

Base kasi sa 2019 Global Youth Tobacco Survey na mayroong 14.1 percent na estudyante ang gumagamit na ng vape kung saan 20.9 percent sa mga dito ay lalaki habang 7.5% sa mga dito ay babae na may edad 13 hanggang 15 ang gumagamit ng electronic cigarette.