loop: DepEd, school, Sec. angara, schools affected by typhoon
Pinulong ni DepEd Sec. Sonny Angara ang National Management Committee (ManComm) upang talakayin ang mga hakbang para punan ang mga araw na walang pasok.
Ito ay dahil sa bigat ng epekto ng mga suspendidong klase dulot ng matinding mga kalamidad.
Sa kasalukuyang school year, ang Rehiyon ng Cordillera (CAR) ay nakapagtala na ng 35 kanselasyon ng klase.
Ito ang pinakamaraming nawalang araw ng pag-aaral na pangunahing dulot ng kalamidad at natural na sakuna.
Ang iba pang rehiyong matinding naapektuhan ay ang Cagayan Valley, Ilocos, Calabarzon, at Central Luzon na nakaranas din ng hindi bababa sa 29 na pagtigil ng klase bawat isa.
Ayon sa ulat, mayroong 239 na paaralan sa bansa ang itinuturing na may “very high risk” sa karagdagang pagkawala ng tyansa ng pagkatuto dahil sa madalas na natural calamities at matinding pinsalang naranasan na nakakaapekto sa mahigit 377,000 na mag-aaral.
Bukod dito, halos 5,000 ang paaralan na naka-kategorya bilang may mataas na panganib.
Isa sa mga hakbang na ipatutupad ng ahensya ay ang Dynamic Learning Program (DLP) upang matiyak ang patuloy na pagkatuto lalo na sa mga apektadong rehiyon.
Maaaring ipatupad ang programa sa mga paaralan bilang mga make-up class at mga sesyon para makabawi sa nawalang pag-aaral.
Ang inisyatibo ay nagtatampok ng parallel classes at catch-up sessions sa mga temporary learning spaces.