-- Advertisements --
Inaasahan ng International Shrine ng Our Lady of Peace and Voyage sa Antipolo na dadami ang mga bibisita sa kanilang simbahan lalo na ito ay pormal ng nadeklara ng Vatican bilang International Shrine.
Sinabi ni Father Reynante Tolentino ang Shrine Rector ng Antipolo Cathedral, na labis ang kasiyahan ng mga mamamayan ng Antipolo dahil sa naaprubahan ng Vatican ang aplkasyon ng pagiging international shrine.
Pinayuhan din nito ang mamamayan ng Antipolo na dapat ay ipagmalaki ang pagkakaroon ng International Shrine sa kanilang bayan.
Bilang pagdiriwang ay magkakaroon mamayang gabi ng prusesyon.