-- Advertisements --

Pinangangambahan ng grupong Save the Children Philippines (SCP) ang dumaraming mga bata na nahahawaan ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni Dr. Kaydee Doloroso na malinaw ang datos ng pagkakahawa ng mga bata ng COVID-19.

Mahalaga na rin talaga na hindi pabayaan ng mga tao na sumunod sa itinakdang protocol ng mga health workers para labanan ang COVID-19.

Ayon din kay Dr. Cecilia Francisco ng nasabing grupo na mabilis na makahawa ang Delta variant lalo na sa mga batang may sakit na.

Base sa talaan naman ng DOH na mayroong mahigit 200,000 na mga may edad 19-anyos pababa ang dinapuan na ng COVID-19 mula pa noong 2020.