-- Advertisements --
DSWD REX GATCHALIAN

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang napaulat na pagdami ng mga pulubi sa kalye sa Metro Manila bago ang kapaskuhan, kung saan posibleng link sa isang criminal syndicate.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, mayroon silang isinasagawang imbestigasyon ngayon. Mayroon aniyang isang syndicated group na sinasamantala ang mga indigenOus people na mga kababayan natin.

Dagdag pa ni Gatchalian, ang presensiya ng mga pulubi sa kamaynilaan ay syndicated.

Kakasuhan aniya ng human trafficking kung sino man ang nag-oorganisa nito.

Samantala, sinabi naman ng Metro Manila Council (MMC) na hindi pa napatutunayan ang ugnayan ng mga pulubi sa mga sindikato, ngunit ire-refer ito sa pulisya.