-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Navy na mayroong diplomatic clearance ang Chinese survey ship na dumaong sa pier ng Davao City kagabi.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Commander Jonathan Zata, bandang alas-8:14 kagabi nang dumating ang Chinese Research vessel na layuning makapag-replenish.

Isa rin itong routine ship visit kahalintulad ng ginagawa ng iba pang mga foreign vessel na nagnanais magsagawa ng port call.

Nilinaw naman ni Zata na walang kahina-hinala sa ginawang pagdaong ng nasabing barko.

“Its completely routine, nothing unusual about the visit. We had Chinese warships calling on our ports in the past the same as with any other warships from other countries,” mensahe ni Cmdr Zata.

Mananatili sa bansa ang Chinese survey ship hanggang sa umaga ng July 19, 2018.

Samantala, kinumpirma rin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagdaong ng Chinese vessel.

Ayon sa kalihim, sumulat si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jinhua kay Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano kaugnay sa gagawing pagdaong ng kanilang Chinese vessel sa bansa upang makapag-refurbish ito.

“The Chinese Research vessel Yuan Wang arrived at Sasa wharf in Davao the other night. There was prior coordination made by the Chinese Ambassador to Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano. The docking was given approval,” mensahe na ipinarating ni Sec Lorenzana.