Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang siyang nagbigay ng clearance para makadaong sa Davao City nuong Biyernes ang isang Chinese vessel.
Ayon kay Eastern Mindanao Command Spokesperson Major Ezra Balagtey na may diplomatic clearance ang pagdaong ng Chinese vessel ang M/V Yuan Wang 7.
Sinabi ni Balagtey apat na araw mananatili sa Sasa wharf ang Chinese vessel at bukas Lunes, September 3 ang iskedyul nito na umalis sa Davao port.
Dumaong ang 225-meter long ang M/V Yuan Wang sa Davao City para sa isang goodwill visit at mag replenish ng mga supply para sa mga crew ng barko.
Ayon pa kay Balagtey, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga crew ng mag tour sa siyudad ng Davao.
Hindi ito ang unang pagkakataon na dumaong sa Davao City ang Chinese vessel.