-- Advertisements --

Nanindigan si House Speaker Alan Peter Cayetano na walang nilabag na batas at iregularidad sa pagdaraos nila nang special session noong Lunes at pag-apruba sa batas na nagbibigay ng karagdagang kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng COVID-19 Pandemic.

Ito ay matapos na kuwestyunin ni Albay Rep. Edcel Lagman ang legalidad nang pagdaraos ng makasaysayang special session kung saan pinahintulutan ang mga kongresista na makibahagi at bumoto sa pamamagitan ng isang online application.

Tiniyak ni Cayetano na ang pagpasa nila sa Bayanihan to Heal as One Act ay hindi lamang constitutional kundi isa ring landmark legislation.

Hinimok naman nito asi Lagman at iba pang kritiko ng batas na sa halip na ituon ang kanilang atensyon sa pambabatikos ay gamitin na lamang ito sa pagtulong sa paghanap ng tunay at praktikal na mga solusyon sa nararanasang krisis bunsod ng COVID-19.