DAVAO CITY – Nanguna mismo si Davao City Police Office (DCPO) Director Police Col. Alexander Tagum sa paglilibot sa 26 na mga playing venues at mga billeting quarters ng mga atleta kasabay ng nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2019.
Ayon pa kay Tagum, manageable pa ang lahat at wala silang natanggap na malalaking insidente maliban lamang sa mga atleta na nawalan ng malay dahil sa sobrang pagod at init ng panahon.
Muling nanawagan ang DCPO Director na manatiling alerto at makipag-ugnayan sa otoridad para matiyak na matiwasay ang Palarong Pambansa 2019 hanggang sa matapos ito sa araw ng Sabado.
Samantalang kagabi ay nakaalerto ang City Disaster Risk Reduction ang Management Office (CDRRMC) at Office of the Civil Defense (OCD) 11 matapos bumuhos ang malakas na ulan na epekto ng easterlies.
Sinasabing ilan sa mga billeting quarters ng mga atleta ay nakaranas ng pagbaha ngunit may mga silid aralan naman na hinahanda na maaaring paglipatan ng mga ito sakaling tumaas pa ang tubig.
Agad naman na bumaba ang tubig baha ilang oras matapos bumuhos ang makalas na ulan.