-- Advertisements --

Binigyang halaga ni Luis Antonio Cardinal Tagle, ang prefect ng Congregation for the Evangelization of People sa Vatican ang naging mensahe ni Santo Papa ngayong lenten 2021.

Ayon kay Tagle na ibinase ng Santo Papa ang kaniyang mensahe sa nakasaad sa Mateo 20:18 na iniimbitahan ni Hesukristo ang mga mananampalataya na magtungo sa Herusalem.

Dagdag pa ni Tagle na mahalaga ang conversion o renewal sa “faith, hope and charity” sa tatlong disiplina ngayong Semana Santa na ang pagdarasal, pag-aayuno at pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap.

Kahit na nais isip aniya ng tao na taun-taon ay walang pagbabago sa pagdarasal ay hindi rin dapat mawalan ng pag-asa at diyan aniya pumapasok ang bisa ng pagdarasal.