-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inumpisahan na ng Diocese of Tagum ang pag-aalay ng dasal para sa mga naging biktima ng sunod-sunod na pagpatay sa Tagum City.

Kahapon sa ginawang misa ng mga simbahan sa Tagum City, nagsagawa ng pagdarasal ang mga pari na kanilang inalay para sa mga naging biktima ng pamamaril sa kanilang lungsod na kagagawan ng hindi pa nakilalang mga salarin.

Pinagdarasal din ng simbahan ang seguridad ng mga Tagumenio laban sa ano mang karahasan.

Umaasa naman ang simbahan na makakamit ng mga biktima ang hustisya at mabilanggo ang utak ng sunod-sunod na krimen sa kanilang lungsod.

Samantala, patay naman ang isa pang lalaki matapos pinagbabaril ng limang beses ng hindi pa nakikilalang suspect.

Nakilala ang biktima na si Terencio Cañizares.

Samantala, inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng krimen.