COTABATO CITY – Nakahanda na ang mga residente ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM sa selebrasyon ng nalalapit na Eid’l Adha o Pagdiriwang ng Sakripisyo.
Maaalalang idineklara ng Malacañang ang August 12, Lunes bilang regular holiday para sa obserbasyon ng Eid’l Adha.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Proclamation 789 na nagdedeklarang holiday ang August 12 sa buong bansa.
Inanunsyo rin ni Regional Darul Iftah BARMM Grand Mufti Abu Huraira Udasan na sa August 11, araw ng Linggo gagawin ang pagdarasal sa buong bansa.
Nagbigay din ng mensahe ang Grand Mufti sa Bangsamoro people para sa nalalapit na Eid’l Adha.
Ang Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ay isa sa pinakamahalagang holiday sa mga Muslims.
Hudyat ito nang pagsisimula ng mga Muslim para sa taunang pilgrimage sa Mecca.