-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inaasahan ngayon ng Davao City Overland Transport Terminal (DCOTT) ang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Semana Santa mula Abril 6 hanggang 7, ngayong taon.

Ayon kay DCOTT Manager, Aisa Usop, pinaghahandaan pa rin nila ito lalo na sa magaganap na long weekend kung saan idineklara ang Abril 10, 2023 bilang regular holiday bilang araw ng katapangan.

Ayon pa sa opisyal na gaya noong nakaarang buwan ng Pasko, may humigit-kumulang 1,500 bus trip ang inaasahan o 50 hanggang 75 libong pasahero. Kaya naman, tiniyak ng DCOTT manager na magkakaroon ng sapat na mga bus na masasakyan ng lahat ng pasahero ngayong papalapit na ang Semana Santa.

Bukod dito, nakipag-ugnayan din ang DCOTT sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)-XI para mag-isyu ng special permit na hinihiling ng mga bus company.