-- Advertisements --

Kabuuang 201 distressed overseas Filipinos sa Qatar ang inilikas mula sa bansang Qatar.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kabilang daw sa mga inilikas ang 185 na babae, tatlong bata at dalawang sanggol.

Dumating ang mga ito sa bansa sa pamamagitan ng chartered flights.

Nasa paliparan naman ang Philippine Embassy and Philippine Overseas Labor Office representatives para alalayan ang mga dumating na Pinoy workers.

Ang chartered flight ay ika-15 na biyahe ng embahada ng Pilipinas sa Qatar mula nang magsimula ang pandemic.