-- Advertisements --
Iimbestigahan ni Senate committee on environment chairperson Sen. Cynthia Villar ang isyu ng pagtatambak ng basura ng ibang bansa sa Pilipinas, kung saan inilulusot ito sa mga pantalan.
Magugunitang, maliban sa mahigit 50 container van ng toxic waste ng Canada, panibago na namang nadiskubre ang basura mula sa bansang Australia.
Giit ni Villar, may kasunduan sa United Nations (UN) ang mga bansang miyembro nito na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng basura.
Kaya malinaw aniyang may nilabag ang Australia sa naturang kasunduan at maging bansang Canada.
Sinabi pa ng senador na kahit mapalitan pa siya sa committee on environment sa 18th Congress, tuloy pa rin ang imbestigasyon sa tila paggawang dumpsite sa Pilipinas ng ibang mga bansa.