BACOLOD CITY – Inamin ni “Pagdating ng Panahon” hit maker Ice Seguerra, na hindi siya ganoon katapang kung saan pa’t habang tumatanda aniya siya ay naging komportable siya at sinubukan niyang protektahan ang sarili sa iba’t ibang bagay, kabilang ang “failure at pain.”
Sa kanyang social media account ay nag-open up si Seguerra, sa pamamagitan ng isang post tungkol sa kanyang pinakamasamang pagkakamali bilang isang artist.
Sa pagbabalik-tanaw niya, sinabi ni Ice na napagtanto niya na ang pagprotekta sa kanyang sarili mula sa “failure at pain” ay ang pinakamasamang pagkakamali na nagawa niya bilang isang artist.
Sa naging panayam ng Star FM Bacolod sa singer-actor-director, inamin niyang nilalabanan niya ang kayang depression at hindi din niya ikinakahiyang e-share ito sa lahat para na rin magpalakas loob sa mga takot sabihin ang totoong mental health o sa mga nagdadalawang isip na humingi ng tulong sa mga espesyalista.
”I think it’s very important that you know, if you feel that there is definitely something wrong don’t be afraid to ask for help. I think right now, we know marami parin sa atin na parang you know, there’s still stigma that’s connected to mental health issues right? So it’s nice that we’re talking about it on radio right now. Because dapat walang stigma eh, it happens to us,” pagbabahagi pa ni Ice Seguerra sa Star FM Bacolod.
Sa ngayon, nangako naman siya sa kanyang sarili na hindi na ito mauulit at hindi niya hahayaang pigilan siya ng takot kung sino ba talaga siya at kung ano ang makakaya niyang gawin.