-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Nagpatupad na ng preemptive evacuation ang ilang local Disaster Risk Reduction and Management Office sa lalawigan ng Albay dahil sa banta ng bagyong Jolina.

Kabilang sa mga inalikas ang mga residente na nasa Mayon unit area at high risk areas.

Ayon kay Malilipot MDRRMO head Engineer Alvin Magdaong sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, binabantayan rin ang posibilidad na magpatuloy ang soil erosion sa Barangay San Roque na una nang naitala sa serye ng mga sama ng panahon noong nakalipas na taon.

Wala na aniyang naninirahan malapit sa lugar subalit patuloy pa rin ang monitoring ng mga otoridad.

Samantala, pinangangambahan rin ng opisyal ang pagdausdos ng debris mula sa Bulkang Mayon lalo pa at inaasahang magpapatuloy ang malakas na pag-ulan hanggang sa mga susunod na oras.

Dahil dito, pinayuhan ni Magdaong an mga residente pairalin ang ibayong pag-iingat at sumunod kung pinayuhang lumikas upang mapaghandaan ang worst case scenario.