LAOAG CITY – Hinihintay nga local na pamahalaan ng Ilocos Norte partikular kay Gov. Matthew Marcos Manotoc at Provincial Veterinary Office ang pagkakadelara ng Ilocos Norte na African Swine Fever Free a mailagay sa ilalim ng yellow zone.
Ayon kay Dr. Loida Valenzuela, Provincial Veterinarian ng Ilocos Norte, noong Pebrero 15 ang hulinh pagpapadala ng mga Local Government Units (LGU’s) ang mga kailangan na dokuumento para sa pagreview kung mabibigyan ng sertipikasyon para sa yellow zone.
Sinabi nito na ilan sa mga Local Government Units ay nakapagpadala na ng mga papeles para sa pagkakadeklara ng mga ito na yellow zone mula sa pink zone.
Inihayag po nito na naisubmit na ng Provincial Veterinary Office ang mga dokumento sa Regional Veterinary Office ngayong araw.
Aniya, dito sa Laoag ay hinihintay pa nito na matapos ang 90 na araw na nasa patakaran ng pamahalaan para makapagsimula na ito para mailagay sa pink zone mula sa red zone at mula sa pink zone ay malalagay naman sa yellow zone.