-- Advertisements --

VIGAN CITY – Naniniwala ang Magsasaka Partylist na nararapat lang na maideklara ang food crisis sa bansa kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Rep. Argel Joseph Cabatbat, sinabi nito na walang pagbabagong magaganap kung patuloy na itatanggi ang pagkakaroon na ng food crisis sa bansa.

Sapat na rason na aniya ang pagtaas ng presyo ng baboy, manok at gulay, bilang patunay na may krisis sa pagkaing kinakaharap ng mga mamamayan.

Tiwala rin ang kongresista na kung maidedeklara ang food crisis ay mapaglalaanan ito ng pondo upang hindi gaanong mahirapan ang mga magsasaka, traders, retailers at konsyumer na naapektuhan.