-- Advertisements --

Inaasahan ng Department of Agriculture na matatanggap nila ngayong araw ang resolution mula sa National Price Coordinating Council para sa deklarasyon ng ‘food security emergency for rice’.

Sa isang pulong balitaan kanina sa mismong opisina ng ahensya, kinumpirma ni Assistant Secretary for Special Concerns and for Official Development Assistance and Spokesperson Engr. Arnel De Mesa na hindi pa naibibigay sa kanilang departamento ang naturang resolusyon.

Aniya, kapag natanggap naman ngayong araw ang mga kaukulang dokumento ay maguumpisa ka agad ang review para dito nang sa gayon ay pagdating ng Miyerkules, Enero 22 ay mayroon nang ilalabas na desisyon si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Giit ni De Mesa, hindi nila alam kung bakit nagkakaroon ng delays sa panig ng National Price Coordinating Council (NPCC) ngunit alam naman din aniya ng kanilang ahensya na aprubado na ang naturang resolusyon.

Naghihintay na lang din aniya ang kanilang departamento para sa kopya ng mga kaukulang dokumento nang mapagaralang mabuti at kung nakikitaan pa ba ng pangangailangan ng deklarasyon nito.

Samantala, ngayong araw naman umarangkada ang pagtatalaga ng maximum suggested retail price sa mga pamilihan kung saan nakita ng departamento ang masugid na pagsunod ng mga retailers sa naturang MSRP na P58/kilo para sa mga imported rice