Tinutulan ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagdedeklara ng state of economic emergency sa bansa sa gitna ng patuloy na umento sa presyo ng produktong petrolyo.
Paliwanag ni Cusi hindi pa kailangan ang pagdedeklara ng emergency sa nagyon.
Nitong Lunes ng inihayag nu Albay Reperesentative Joey Salceda na ang pagdedeklara ng state of economic emergency ay mapapabilis ang pamamahagi ng calamity fund ng mga local government units para sa pagbibigay ng tulong sa lahat ng sektor na apektado ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo gaya ng mga tricycle driver, magsasaka at mangingisda.
Subalit ayon kay Energy Secretary Cusi, ginagawa ng pmahalaan ang lahat para matugunan angkinakaharap ngayong problema ng bansa sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
Nauna na ring umapela ang Malacanang sa Kongreso na ireview ang oil deregulation law sa gitna ng nararanasang lingguhang unemto sa presyo ng petrolyo at sa epekto ng nagpapatuloy na Russia -Ukraine conflict.