-- Advertisements --

Isinusulong ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. sa Marcos administration na ikonsidera ang pagdedeklara ng state of emergency para mapigilan ang impact ng nakaambang global food crisis sa bansa.

Tinukoy ni PCAFI president Danilo Fausto ang tatlong pangunahing problema na kailangan tugunan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr na siyang mamumuno pansamantala sa kagawaran ng agrikultura kabilang ang bumababang productivity sa agrikultura, depleting treasury o nauubos na kaban ng bayan at mababang kumpiyansa ng pribadong sektor sa pagpapalawak ng kanilang negosyo.

Pinunto ni Fausto na ang state of emergency ay magpapahintulot sa bagong administrasyon para magbigay ng direktiba sa local government units para maglaan ng pondo para sa kanilang internal revenue para mapalakas ang agriculture production.

Aniya, sa ilalim ng Mandanas-Garcia ruling, makakakuha ng karagdagng 27% ang LGUs o P235 billion sa taong 2022 mula sa kanilang share taxes mula sa gobyerno.

Inirekomenda din ng grupo na para mapigilan ang kawalan ng katiyakan sa pagkain ang pagtriple ng pagtatanim ng palay na mkakapagparami pa ng karagdagang 7.5 million metrikong tonelada.

Sa nakalipas na taon, nasa19,9 million MT ang naproduced na bigas sa bansa.