-- Advertisements --

Inihayag ni dating PNP chief at kasalukuyang Sen. Ronald dela Rosa na kailangang masusing pag-aralan ang pagdedeklara ng state of lawlessness sa Marawi dahil sa nangyaring pagsabog sa Mindanao State University.

Kung ikukumpara aniya sa Marawi Siege na nangyari noong 2017 ay magkaiba aniya ito sa insidente ng pagsabog sa naturang unibersidad.

Bagamat parehong gawain ng terorista ang 2 insidente, kinakailangan na magdeklara ng state of lawlessness sa kaso ng Marawi siege dahil mayroong mga pwersa na nag-okupa sa buong lungsod habang sa kaso naman ng MSU, posibleng ito ay isolated incident kayat kailangan pa ng ibayong pag-aaral.

Matatandaan na noong 2016, idineklara ni dating Pang. Rodrigo Duterte ang state of national emergency dahil sa 5 buwang Marawi siege ng mga pribadong army, local warlords at maging ng mga teroristang grupo at relihiyosong ekstremista.