-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak na Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na hindi nila palalagpasin ang ginawang hakbang ng Philippine Olympics Committee kung saan kinatigan ang umano’y ‘harassment case’ na idinulog ni Olympian pole vaulter EJ Obiena laban sa kanilang presidente na si Philip Juico.

Ito’y mayroong kaugnayan sa POC ethics committee investigation findings na umano’y tahasang ginigipit ni Juico si EJ ukol sa sports funding liquadation dahilan na napatawan ng ‘persona non grata’ decision noong nakaraang linggo.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni PATAFA chairman at Deputy House Speaker Rep.Rufus Rodriguez ng segundo distrito ng Cagayan de Oro City na nakakatawa ang ginawa ng POC dahil nasa internal investigation pa lamang sana sila akusasyon ni Juico kontra Obiena subalit inaagahan ang persona non grata findings.

Sinabi ng kongresista na maituturing na walang silbi ang desisyon ng POC dahil hindi pa nga sila tapos intra-national sports association (NSA) isyu ay hinatulan na nila si Juico na pilit lang isalba ang pinagdududahang milyong halaga ng pondo na bigong ma-liquadate sa kampo ni Obiena.

Banggit ni Rodriguez na dahil null and void at wala sa hurisdiksyon ng POC ang kanilang ginawa ay maglalabas na ang PATAFA ng kanilang findings ukol sa budget issue na kinaharap ni EJ.

Magugunitang itinigil pa ng isang komitiba ng Kamara ang imbestigasyon ukol sa nabanggit na sigalot dahil sa apela ni Philippine Sports Commission chairman Butch Ramirez subalit nabigla ang PATAFA sa persona non grata issuance ni POC laban Juico.

Una nang pinagpaliwanag si EJ sa umano’y falsified liquadations ukol sa bayarin na P4.8 milyon para sana kanyang Ukrainian coach na si Vitaly Petrov dahil nagre-reklampo ito subalit mariing itinanggi at sa halip dumulog sa tanggapan ni POC chairman Abraham Tolentino.