GENERAL SANTOS CITY – Nararapat lang ang ginawa ng Lokal na Pamahalaan ng General Santos City na ideklarang persona non grata ang drag queen na si Pura Luka Vega.
Ito ang naging reaksyon ng mga netizens matapos lumabas na kinondena ang kontrobersyal na drag performance ni Vega kasabay ang pagsasayaw sa ni-remix nito na kantang “Ama Namin” habang nakasuot ng Poong Nazareno dress.
Ayon kay Gensan City Councilor Vandyke Congson, malinaw na ipinakita nito na walang galang, nangungutya, at binabastos ang sagradong biblikal na panalangin na ginawa nitong libangan.
Napag-alaman na sa umpisa ay pagkondena lamang ang ibinahagi ng opisyal subalit sinakyan ito ng iba pang mga opisyal sa ika-40th Session ng 20th Sangguniang Panlungsod ng Gensan kung saan umabot ito sa pagdeklara na persona non grata kay Vega o si Amadeus Fernando Pagente sa totoong buhay.
Sa kabila nito, may komento naman ang isa pang Drag Queen na nagngangalang si ladyGagita matapos ideklarang persona non grata si Pura na nagsasabing ano naman raw ang gagawin ni Vega sa Gensan.
Wala pa rin namang tugon ang Lokal na Pamahaan ng Gensan kaugnay dito.