-- Advertisements --

Maaring sa darating na Pebrero 4 ay maideklara na ng Department of Agriculture (DA) ang food security emergency for rice.

Sinabi Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, na natanggap na nila ang resolution ng National Price Coordinating Council na nagrerekomenda ng emergency declaration.

Pag-aaralan muna nilang mabuti ang resolution bago ang pagdedeklara ng food security emergency for rice.

Magandang dulot nito ay para mabawasan ang laman ng mga bodega ng National Food Authority (NFA) at mas maraming mabili sa mga lokal na magsasaka.

Sa paglalabas ng 300,000 metric tons ng bigas sa merkado sa loob ng anim na buwan ay makakatulong sito sa pagbaba ng bahagya ng presyo ng bigas.

Kapag naipatupad ang deklarasyon, ang mga buffer stocks ng NFA ay ibebenta sa mga ahensiya ng gobyerno at local government unit ng P36 kada kilo at ang mga mamimili ay makakabili ng tig-P38 kada kilo.

Otorisado kasi ang DA na magdeklara ng food security emergency on rice base sa nakasaad sa Rice Tariffication Law kapag nagkaroon ng kakulangan ng suplay o biglaang pagtaas ng presyo ng bigas.