Malabong magdeklara ng Martial Law sa buong bansa si Pangulong Rodrigo Duterte.
Paliwanag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero, ang pagdeklara kasi ng Martial Law ay nakadepende sa sitwasyon.
Aniya, sa ngayon nakatutok sila sa pagpapatupad ng Batas Militar sa Mindanao na siyang kanilang prayoridad matapos aprubahan ng Kongreso ang pagpapalawig pa ng isang taon.
“Let us not talk about Martial Law for the whole country dahil sa ngayon ang concern pa lang natin is the implementation of Martial Law in Mindanao, we still have to work on its implementation come next year,” wika ni AFP chief.
Inihayag din ni Guerrero na hindi pa nila masabi at kung ano ang projections dahil nakadepende ito sa impormasyon na kanilang nakukuha.
“Kinakailangan i focus muna natin sa Mindanao so aa far as the other parts of the country nobody can tell, it will depend on the new developments,” pahayag ni Guerrero.
Pagbibigay diin nito na hindi nila iniisip na magdeklara ng Batas Militar sa buong bansa ang pangulo.