-- Advertisements --
BOMBO DAGUPAN – Ikinagagalak ni Pangasinan Vice Governor Mark Lambino ang makasaysayang pagdedeklara ng Saint Dominic de Guzman Parish Church bilang bagong minor basilica sa San Carlos city makaraang Linggo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kaniya, ito ay maaaring makapagbigay ng kontribusyon sa pagtatatag ng turismo sa lalawigan.
Dagdag pa nito na nakapagbibigay ito ng pagkilala sa pananampalataya at kasaysayan ng naturang simbahan.
Tiniyak naman ni Vice Governor Lambino na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang ipakilala at linangin ang parteng ito ng lalawigan.