-- Advertisements --

Ginagalang ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang naging desisyon ng korte suprema na idiniklarang unconstitutional ang dalawang bahagi ng Anti-Terrorism Law partikular ang Sec. 4 at Sec. 25.


Ayon kay DILG Secretary at ATC member Eduardo Ano, nirerespeto nila ang desisyon ng Supreme Court.

Ang kabuuan ng ATA law ay constitustional bukod lamang sa dalawang items na binanggit ng Supreme Court.
Pahayag ni Ano na ang diniklarang unconstitutional provisions ay minimal at hindi ito makaka-apekto sa Anti-Terrorism Act (ATA) 2020.

Sinabi ng Kalihim na gagawa sila ng kaukulang adjustment subalit strikto pa rin nilang ipatutupad ang Anti Terrorism Law para protektahan ang sambayanan laban sa anumang uri ng terorismo.

Sa panig naman ni National Security Adviser at Anti-Terrorisim Council vice chairman Hermogenes Esperon Jr, inihayag nito na hindi pa niya natanggap ang advisory ng SC, kaya tumanggi muna siyang mag komento ukol dito.

Ayon kay Esperon, pag-aaralan ng kanilang abugado ang dalawang bahagi ng batas na diniklarang unconstitutional ng SC.

Giit din ng Kalihim na kanilanh nirerespeto ang desiyon ng Korte Suprema.

Batay sa pahayag ng Supreme Court ang nasabing dalawang bahagi ng ATA 202 ay overbroad at violative sa freedom of expression.