GENERAL SANTOS CITY – Nilinaw ni Cotabato Acting Governor Emmylou Mendoza na ang suspension ng klase sa mga pampubliko at pribadong mga paaralan sa bawat munisipyo ay magdepende sa local chief executive.
Ito ay dahil sa bawat munisipyo magkakaiba ang danyos ng lindol.
Nanawagan si Gov. Mendoza sa mga mayor na magsasagawa nang assessments kung isuspendi ang klase o hindi.
Una nang inihayag ni Mayor Reuel Limbungan ng Tulunan, Cotabato na walang klase ngayong araw sa kanilang lugar.
Base sa Executive order No. 80 na dapat munang bigyan pansin ang seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral dahil nagpapatuloy pa ang mga aftershocks.
Habang inanunsyo na ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., na suspendido na ang pasok sa lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa sa Kabacan, Cotabato.
Sakop sa direktiba ni Mayor Guzman ang suspension ang trabaho sa mga pampublikong tanggapan.
Ang Cotabato Foundation College of Science and Technology (CFCST) sa Arakan, Cotabato ay walang pasok bukas kung saan sa araw pa ng Miyerkules muling babalik ang klase.
Napag-alaman na gikansela rin ang 58th Founding Anniversary at Tulun Kastifun Celebration ng Tulunan na sana ngayong araw magsimula at matatapos sa November 19, 2019.
Ito ay para mabigyan ng atensyon ang pangangailan ng mga biktima ng lindol.