-- Advertisements --

Pinalawig pa ang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay sa pagtalakay sa maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at DepEd.

Ito’y matapos nag mosyon si Congressman Romeo Acop na i-extend ang naturang hearing ‘in aid of legislation’ na agad namang naaprubahan ng komite.

Hindi pa matukoy kung kailan matatapos ang nasabing pagdinig kung saan tinatalakay ang maling paggamit ng confidential funds ng OVP at DepEd.

Sa opening statement binigyang-diin ni House panel chairmanC ongressman Joel Chua kung bakit isinasagawa ang pagdinig.

Aniya, ito ay para malaman kung saan at paano maaaring samantalahin ang confidential funds, anong mga ahensiya ang karapat-dapat pagkalooban nito, at ano ang dapat ilagay para maiwasan ang pang-aabuso at maprotektahan ang pondo ng taumbayan.

Dagdag ni Chua dalawang tao lamang ang makakasagot nito — si Vice President Sara Duterte na siya ring Education Secretary noon, at ang special disbursement officer ng DepEd at OVP na sina Edward Fajarda at Gina Acosta.

Sabi ni Chua, sa kabuuan nasa higit P612 million pesos ang halaga ng confidential funds na nagastos sa ilalim ng dalawang ahensiya.

No show pa rin ang pitong opisyal ng OVP na nauna nang ipina-subpoena ng komite dahil hindi anila ‘in aid of legislation’ ang isinasagawang pagdinig.

Sa liham na isinumite sa kamara, sinabi ng mga opiysal na dapat isama sa imbitasyon ang draft bill para sa impormasyon ng resource person.

Sinabi naman ng ilang opisyal ng OVP na hindi nila natanggap ang subpoena mula sa kamara.