-- Advertisements --

Nagsimula ng magkaroon ng linaw ang pag-iimbestiga ng Quad CXommitteee na may kaugnayan sa iligal na operasyon ng POGO, illegal drugs, EJK at human trafficking.

Ito ang binigyang-diin ni Quad Comm Chairman, Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.

Ayon kay Barbers ito na ang ikatlong pagdinig ng Komite kung saan mahalaga ito sa kanilang mga iniimbestigahang mga isyu.

Sa pag-iimbestiga ng joint committee nabatid ang kuneksiyon ng ilang mga krimen sa iligal na operasyon ng POGO at illegal drug networks na banta sa seguridad ng publiko at nagbibigay dungis sa kredibilidad ng institusyon.

Sa pagdinig ng Komite sa Pampanga, nadiskubri ang iilang mga nakaka-alarmang mga detalye at nadiskubri na ang nasa likod ay isang well-organized syndicates na nag ooperate at nakikipag sabwatan sa mga ilang tiwaling opisyal ng gobyerno.

Sinabi ni Barbers kanilang napakinggan ang ilang mahahalagang testimonya at  kanilang masusing sinuri kaya mahalaga ang mga impormasyon sa pagdinig ngayong araw.