Sinimulan na ng binuong Quad Committee ang pagdinig sa extra judicial killings, iligal na operasyon ng POGO at illegal drugs ng nagdaang administrasyon.
Apat na komite ang nagsanib pwersa para imbestigahan in-aid of legislation ang mga nasabing kontrobersiyal na isyu.
Present ang apat na komite ang Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Rep. Ace Barbers, Committee on Public Accounts na pinamumunuan ni Rep. Stephen Caraps Paduano, Committee on Human Rights sa pangunguna ni Rep. Bienvenido Abante at Commitee on Public Order and Safety Rep. Dan Fernandez.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Rep. Barbers kaniyang sinabi na mahalaga ang magiging pahayag ng mga testigo sa kanilang imbestigasyon.
Ayon naman kay Abang Lingkod Rep. Stephen Paduano, isa sa mga resource speakers ay ang asawa ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na magbibigay linaw sa umanoy bahay nila sa Baguio.
Para kay Rep. Romeo Acop, kaniyang inihayag na target ng komite na mabatid ang katotohanan sa mga nasabing kontrobersiya.
Sa kabilang dako, isa si PNP CIDG Chief PMaj.Gen Romeo Caramat ang isa sa mga resource speakers at ang asawa ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque.
Nilinaw naman ni Barbers na ang layunin ng kanilang public briefing ay para mabatid ang katotohanan at hindi idiin o siraan ang ilang mga indibidwal.