-- Advertisements --
Umarangkada ngayong araw ang pagdinig ng Quinta Committee na binubuo ng apat na komite.
Ito ang House Ways and Means, Trade and Industry, Agriculture and Food, Social Services at Special Committee on Food Security.
Nakatutok ang imbestigasyon sa smuggling at price manipulation sa mga basic goods and essential commodities.
Si Albay Rep. Joey Salceda ang tumatayong leader ng joint committee.
Layon ng imbestigasyon matugunan ang gutom at i-promote ang food and nutrition security.
Target din mapanagot ang mga sangkot sa smuggling at price manipulation.