Tinawag na political circus ng isang lider ng Kamara ang nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senado hinggil sa umano’y “PDEA leaks” kung saan walang habas na dinudungisan ang magandang reputasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
Ayon kay Deputy Speaker and Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez, bagamat nirerespeto nito ang posisyon ng Senado, dapat pagtuunan na lamang ng pansin ang mga mahahalagang usapin.
Naniniwala si Suarez ang nasabing pagdinig ay bahagi ng isang malaking orchestrated destabilization movement laban sa Marcos administration.
Nuong nakaraang linggo inihayag ng mga batang mambabatas na ang testimonya ng dating PDEA agent na si Jonathan Morales na nag uugnay kay Pang Marcos sa iligal na droga ay bahagi ng isang malaking hakbang para i-destabilize ang kasalukuyang administrasyon.
Nagpahayag na rin ang PDEA na walang katotohanan ang sinasabi ng dati nilang ahente.
Iginiit ni Suarez na bigyan na lamang ng pansin ng senado ang pag-amyenda sa Rice tariffication Law.