-- Advertisements --
Maaring matagalan pa ang gagawing pagdinig sa International Criminal Court (ICC) laban sa war crimes na kinakaharap ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Ito ay kasunod na ibinunyag ng ICC na kanilang papalitan ang isa sa mga judges na nagdedesisyon a prosecution request ng arrest warrant.
Noong Mayo kasi ay hiniling ng prosecutors ang paglabas ng arrest warrants laban kay Netanyahu, kasama ang kaniyang Defence Minister Yoav Gallant at tatlong Hamas leaders na nagsasabing mayroon silang nakikitang mabigat na ebidensiya na nakagawa sila ng war crimes at crimes against humanity.
Ang nasabing desisyon ay matagal ng naantala dahil sa makailang beses ng naghahin ang Israel ng pagkuwestiyon sa nasabing kaso.