-- Advertisements --

DAVAO CITY – Dininig na ang kaso ni Dr. Marvin Rey Andrew Pepino, suspek sa pagpatay sa 19-anyos na Grade 9 student na si Amierkhan Mangacop kaninang umaga lamang.

Idinaos ang arraignment sa Branch 17 para sa kasong Homicide alinsunod sa inilabas na kautusan ni acting Presiding Judge Emanuel Carpio.

Sa kabilang banda, para maiwasan ang anumang opinyon tungkol sa bias at impartiality, boluntaryong nag-inhibit si Presiding Judge Marie Estrellita Tolento na hawakan ang kaso para mai-raffle ulit ito sa ibang branch.

Matatandaan na noong Hulyo 2, 2022, Sabado ng madaling araw, binaril at napatay ng isang Non-Uniformed Personnel o NUP-Doctor na si Marvin Pepino ang 19-anyos na si Amierkhan sa labas ng isang bar malapit sa Tavera sa lungsod ng Davao.