-- Advertisements --
Gaganapin sa susunod na linggo ang pagdinig sa kaso ng pinatalsik na lider ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi.
Ito ang kinumpirma ng kaniyang abogado kung saan nahaharap ang Nobel laureate sa kasong possession of unlicensed walkie-talkies at ang pagkutya sa ipinapatupad na COVID-19 restrictions.
Pinakamabigat na kaso na kinakaharap ng 75-anyos na si Suu Kyi ang paglabag nito sa Official Secret Act.
Inaasahan na magsisimula sa Hunyo 14 ang pagdinig at matatapos ang kabuuang pagdinig sa kaso hanggang Hulyo 26.
Magugunitang nitong nakalipas na Pebrero nang pinatalsik sa puwesto si Suu Kyi nang agawin ng militar ang panunungkulan at mula noon ay sumiklab ang malawakang kilos protesta na ikinasawi ng mahigit 850 katao na.