Inilipat sa Marso 7 ang pagdinig sa kasong graft ni dating Bureau of Customs (BOC) commissioner Nicanor Faeldon ayon sa Sandiganbayan.
Ayon sa Fifth Division, na-reschedule ang pagdinig dahil sa hindi pagharap ni dating Senator Panfilo “Ping” Lacson na testigo ng prosekusyon.
Kung saan inaasahang magbibigay ng kanyang testimonya si Lacson sa pagdinig.
Sa panig ng dating Senador hindi siya nakadalo dahil masama ang pakiramdam nito.
Matatandaan na noong 2017, nagsampa si Lacson ng dalawang bilang ng graft at economic sabotage laban kay Faeldon dahil sa umano’y pag-utos nito na i-release ang mga kargamento ng bigas na naka-consign sa Cebu Lite Trading Inc. (CLTI) na nagkakahalaga ng P34 milyon sa Cagayan de Oro City.
Ang kaso ay may kaugnayan sa 40,000 bags ng Vietnamese white rice na dumating sa daungan ng Cagayan de Oro, na pawang walang mga kaukulang dokumento at import permit para payagan ang pag-aangkat
Noong Pebrero naman, inilabas ng Sandiganbayan ang resolusyon para sa paghahanap ng probable cause na nagresulta sa pagpapalabas ng warrant of arrest laban kay Faeldon.