-- Advertisements --

Itinakda sa buwan ng Hulyo ang pagdinig sa kasong manslaughter laban sa actor na si Alec Baldwin.

May kaugnayan ito sa naganap na aksidenteng pamamaril noong 2021 kung saan nasawi ang cinematographer na si Halyna Hutchins habang ginagawa ang pelikulang “Rust”.

Inamin naman ng armorer ng pelikula na si Hannah Gutierrez na aksidente niyang nalagyan na tunay na bala ang baril na inakala niyang nailagay niya ito sa personal na baril ng actor.

Iginiit naman ni Baldwin na hindi ito responsable sa insidente kung saan plano ng kaniyang abogado na maghain ng motion para tuluyang mabasura ang nasabing kaso.