-- Advertisements --

Magpapatuloy ang pagdinig sa mga kaso ni KOJC Pastor Apollo Quiboloy at iba pang mga akusado matapos na maghain ang mga ito ng not guilty plea.

Pasado alas 7:29 ng umaga kahapon ng dumating sa Pasig RTC si Quiboloy kasama sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada, at Sylvia Cemañes.

Nagpasok ang mga ito ng not guilty plea para sa kasong qualified human trafficking.

Sumunod ay binasahan ang mga ito ng sakdal sa QC RTC ala una ng hapon at parehong plea ang kanilang inihain para naman sa kasong child sexual abuse.

Nailipat na rin sa Pasig City Jail ang apat na kapwa akusado ni Quiboloy habang mananatili ang pastor sa Kampo Krame.

Giit ng kampo ni Quiboloy, inosente ang kanilang kliyente at nakahanda silang depensahan ito.