-- Advertisements --
image 101

Magpapatuloy pa hanggang sa Enero ng susunod na taon ang pagdinig sa plunder case nina dating Senate President Juan Ponce Enrile at kaniyang dating chief-of-staff Jessica ‘Gigi” Reyes at iba pang mga akusado sa umano’y maling paggamit ng P172 million pork barrel.

Ito ay matapos ngang payagan ng Sandiganbayan ang kahilingan ng abogado ni Reyes na si Atty. Christian Diaz kaunay sa pagharap ng defense witness na si Yolanda Doblon sa later date dahil hindi ito available ngayong araw, Nobiyembre 9.

Si Doblon na nagsisilbi sa opisina ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda, ay hindi nakatestigo dahil sa nagpapatuloy na budget deliberations ng panukalang pambansang pondo para sa 2024 sa Senado.

Subalit ayon sa legal counsil ni Reyes, haharap pa rin ang kaniyang kliyente bilang defense witness para depensahan ang kaniyang sarili laban sa mga kasong plunder sa naka-schedule na pagdinig sa Nobiyembre 14.

Hindi naman tinutulan ng panel of prosecutors ng pamahalaan ang manifestation ni Diaz.

Nabigay naman si Doblon ng petsa para ito ay makapagtestigo subalit nataon ang petsa sa Christmas break kayat nagbunsod ito sa Sandiganbayan na irekomendang dinggin ang testimoniya ni Doblon sa Enero 16, ng susunod na taon.

Matatandaan na inihain ng state prosecutors ang kasong plunder laban kina Enrile at kapwa akusado nito noon pang 2014.