Iniurong na sa buwan ng Setyembre ang pagdinig sa sexual abuse case ng singer na si R. Kelly.
Ito ay kasunod na ang naunang petsa sa Hulyo 7 ay posibleng hindi maisagawa dahil pa rin sa nararanasang coronavirus pandemic.
Sinabi ni US District Judge Ann Donnelly ng federal court sa Brooklyn na lahat ng mga posibleng jurors ay ipapatawag para sa September 14 hearing.
Magugunitang kinasuhan ang “I Believe I Can Fly” singer ng sexual abuse noong Enero 2019 kahit na naganap ang insidente ng mahigit dalawang dekada.
Naghain na ito ng not guilty plea sa mga kasong kriminal niya sa New York, Illinois at Minnesota noong nakaraang taon.
Ibinasura rin ng korte ang hiling nito na palayain siya dahil sa pangambang mahawahaan siya sa dumaraming kaso ng coronavirus sa loob ng jail facilities.