-- Advertisements --

Naging magarbo ang ginawang pagdiriwang ng ika-44 kaarawan ni retired US boxing champion Floyd Mayweather Jr.

Bukod sa mga sikat na kilalang personalidad na dumalo ay ginanap ito sa “super high tech” na lugar sa Fort Lauderdale sa Florida.

TMT

Dumating ang boxing champion lulan ng kaniyang $2 million Bugatti supercars na nakasuot ng ilang milyong halagang puno ng diamond na alahas.

Nagkaroon ng mahigpit na pagkuha ng temperatura at ipinatupad ang social distancing.

Bagamat makikitang nakasuot ang ilan ng face mask ay hindi naman nagsuot ng face mask ang retiradong boxing champion.

Kabilang ang boksingero sa listahan ng highest paid athletes ng Forbes magazine.