BAGUIO CITY – Sinusuportahan ng mga stakeholders ng vegetable industry sa lalawigan ng Benguet ang panukalang pagdiriwang ng kauna-unahang Benguet Highland Vegetable Festival.
Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio, sinabi ni Dr. Violeta Salda, chief of operations ng Benguet Agri-Pinoy Trading Center (BAPTC) na kailangan ding makilala ang kontribusyon ng agrikultura sa ekonomiya ng Benguet.
Aniya, maganda ang nasabing panukala sa sangguniang panlalawigan para unti-unting makilala at maparangalan ang industriya ng gulay ng lalawigan lalo pa at wala pang anumang pagdiriwang sa lalawigan para sa nasabing industriya.
Ipinagmalaki niya na ang Benguet ang nagsusuplay ng 80 percent ng mga gulay, partikular ang mga highland vegetables sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon naman sa chairman ng Committee on Agriculture sa sangguniang panlalawigan ng Benguet, matatagpuan daw sa La Trinidad na kinikilala bilang Salad Bowl of the Philippines at dito din matatagpuan ang mga malalaking vegetable trading posts.
Ipinapanukala na sa pagdiriwang ng Benguet Highland Vegetable Festival ay isasagawa ang vegetable summit, ibat-ibang kompetisyon kung saan tampok ang mga highland vegetables, agro-industrial trade fair at iba pa