-- Advertisements --
Naging malungkot ang ginawang pagdiriwang ng Easter ng mga Kristiyanong Palestino sa Gaza.
Ito na ang pangalawang taon na naging malungkot ang Easter sa Gaza dahil sa patuloy na pag-atake ng Israel.
Sa halos 50 araw kasi ay walang pinapapasok ang Israel Defense Forces na mga pagkain at gamot sa Gaza.
Limitado lamang sa pagdarasal ang ginawa nila sa Greek Orthodox Church of Saint Porphyrius.
Kinansela ng ibang mga Kristiyano na nandoon ang kasiyahan dahil sa pangamba ng pagbobomba ng mga Israel Forces.