-- Advertisements --
Naging star-studded ang pagdiriwang ng ika-50 karaawan ng Holywood actress na si Eva Longoria.
Dinaluhan ng mga kilalang kaibigan ng actress at producer na ginanap sa Miami.
Sinabi ng kaniyang kaibigan na si Ana Navarro na noong anim na buwan ang nakaraan ay walang plano ang actress na magkaroon ng magarbong pagdiriwang.
Nagpost din sa kanilang mga social media account ang mga kaibigan niya gaya ng actress na si Gabrielle Union.
Kasama ni Union ang asawang si Dwayne Wade ganun din ang tennis star na si Grigor Dimitrov, Spanish singer na si Bad Gyal at actress/ YouTuber Lele Pons.
Pinasalamatan naman ni Longoria ang mga kaibigan at kapwa artista na dumalo sa nasabing pagdiriwang.