-- Advertisements --

DAVAO CITY – Gaya sa nakaraang taon, magsasagawa pa rin ng mga aktibidad ang lokal na pamahalaan kasabay ng selebrasyon ng Kadayawan sa Davao ngayong buwan ng Agosto.

Bagaman kakaiba ang selebrasyon ngayong taon dahil gagawin pa rin ito sa pamamagitan ng digital platform dahil nananatili pa rin ngayon ang banta ng COVID-19 sa lungsod.

Kung maalala, isa ang Kadayawan Festival sa mga dinarayo noon ng mga turista bilang pakikiisa sa 10 mga tribu sa lungsod at masaganang ani lalo na ang iba’t ibang klase ng mga prutas.

Nanawagan naman si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa publiko na makiisa sa pagdiriwang sa pamamagitan ng digital platform kung saan may hinahandang mga aktibidad ang lungsod at ang mga pribadong sektor.